Chapter 7 - Schedule for the Anniversary

- JAMES' POV -

Kasalukuyan na nagpe-peysbuk ako sa kwarto ko. Tingin tingin lang din ako sa mga post ng ibang friend ko sa peysbuk.

Ang mga friend ko lang naman sa peysbuk eh yung mga babaeng na encounter ko na at na fling ko na nung ako'y playboy pa. Pero di ba nga, hindi na ako uulit pa. Hindi na ako playboy pramis! Mamatay pa si YOKAI!

And so yun nga.. tingin tingin lang ako...

Hanggang sa makita ko yung post ni Sunshine kasama si Rod na boyfriend nya.

Eto na naman! Nagseselos na naman ako kapag nakikita ko silang dalawa. Di ba sabi ko sa sarili ko na magmo-move on na ako. Aish..

Oo, dapat magmove on na ko para hindi na ako masaktan ng paulit ulit. Lalo na nadun pala nag aaral yung Rod na yun sa school na pinaglipatan ko. I'm sure na laging pupunta si Sunshine dun kasi nandun yung magaling nyang boyfriend eh.

Tsss.. ano ba ang wala sa kin na meron sa Rod na yan kung bakit ako hiniwalayan ni Sunshine. Tss.. Eto na naman ako! Aish. paulit ulit na lang!

What's on your mind? Ano ba ang nasa isip ko! Oo, yun nga! Yung gusto ko ng mag move on. Yung gusto ko ng kalimutan lahat!

Aish.

"Hanggang ngayon... mahal pa kita. Pero oras na siguro na kalimutan kita kasi ayoko na talagang masaktan pa kapag nakikita ko kayong dalawang magkasama"

POST!

Siguro mababasa ito ni Sunshine. Friend pa rin kami sa peysbuk hanggang ngayon. Eh sa ayoko sya i unfriend eh. Sumasakit kalooban ko kapag nagkataon.

Maya maya balik ulit ako sa news feed ko then napansin ko na may one notif akong natanggap.

I opened it and I saw her name. Sino? Eh sino pa ba? Eh di yung babaeng tanga kanina na hindi tumitingin sa dinadaanan nya kaya sya nadulas. Hmf. at sinali pa ako sa pagkakahiga nya.

Hindi ko muna in-accept instead in-open ko pa muna yung profile nya. Titignan ko muna.

Hmf. pa feym sya ah. Baka privite profile nya. Wala akong makita sa post nya kundi yung mga recently na updated nya na profile picture. Tss.. tapos sa "about" nya eh wala masyadong info. Tss..

Bigla akong napangiti. Ewan ko ba ba't ako napapangiti. Eh sa tinitingnan ko lang tong mga picture nitong babaeng to eh napapangiti na ako. Aish.

I accept ko na nga lang sya.

Erica Mae Delos Reyes

Accept | Delete

So I accepted it.

Then balik na naman ako sa home ko. Mamaya nakatanggap na naman ako ng 1 notifications. I opened it and I saw yung name nung Erica Mae na yun. Ni LIKE nya yung post ko na ngayon ko lang na post.

Hmm.. i chat ko kaya to. Bibiruin ko lang na wag nya ako i-stalk hehehe.

At yun nga, ginawa ko naman tapos nagreply naman sya. Asa pa daw ako na ini stalk ko pa sya. Tss.. gusto mo ng gantihan ah. So I reply again for her habang nakangiti.

Ba' t ba ako napapangiti ah? Tss.. baliw na siguro ako eh..

Teka? Subukan ko kaya syang tawagan! Gusto ko sya kausapin sa deal namin na maging girlfriend ko sya. Baka sya na siguro makatulong sa kin na maka move on ako.

Hmm. tawagan ko nga...

Calling Erica Mae Delos Reyes...

Ringing...

Ba't antagal nyang sagutin? Online pa naman sya ah. Ring lang ng ring. Tss..

I hang up the call. Eh hindi naman nya sinasagot eh.

Tss.. bahala nga sya. Hmf.

So, nagpunta ulit ako sa home ko. Pero napansin ko na hindi ko pa pala nako-close yung chatbox namin nung Erica na yun.

Bago ko i exit yun eh message ko kaya sya ulit.

Magta-type na sana ko pero bigla syang nag off. Hindi na sya online. Aish.. okay, mukhang wala na nga talaga sya.

Sige good night na lang sa kanya and sweet dreams. Tutal gabi na. Kelangan ko na rin matulog kasi may pasok pa ko bukas.

Bago ako mag off, I sent her a message. Alam kong hindi na nya mababasa kasi baka off na sya pero mababasa nya siguro to kung mag oopen sya. Leave na lang ako ng message para mabasa nya.

"Kita tayo bukas..."

Nope hindi yan dapat ang sabihin ko. In erase ko yung tinype ko tapos nagtype ulit ng bago..

"Hoyy.. Kita tayo bukas ah. Don't forget our deal.."

Tss.. ganto na nga lang.

"Good bye and good night. Sweet dreams.. (^.^)"

SENT

Yun na lang para matapos na. Tss..

Then I logged out na. Tapos humiga na ako at natulog.

KINABUKASAN...

Gumising na ako ng maaga. Dumaretso kaagad ako sa CR na nasa loob mismo ng kwarto ko para maligo at mag ayos.

Pagkatapos kong maligo eh nagbihis na ko ng uniform ko. Inaayos ko pa sarili ko sa harap ng salamin. Pagkatapos eh lumabas na ako sa kwarto ko.

Di ba nga may condo ako. So, ako lang mag isa dito sa condominium unit ko.

Kakain muna ako ng breakfast tutal maaga pa naman eh. Nagsain na ako ng rice tapos nagluto ng hotdog pati itlog.

Wala na akong problema sa pagkain ko kasi marami akong stock dito ref. Hindi naman din kasi ako ang naggo-grocery eh. Basta kada one month, may nagpapadala sa kin ng mga grocery galing ancestral house namin tapos one month salary ko rin na 10,000.

Medyo malaki ba. Eh sa ganyan binibigay sa kin ng parents ko eh. Hindi naman nauubos ng mabilis yung pera ko kasi nasa bangko sya pinapadala tapos ide-deposit ko na lang kung ano gusto kong amount.

Dahil sa hindi naman ako gastador, ayun, medyo lumalaki savings ko sa bangko kasi nga laging nilalagyan nila Mom at Dad yun kada one month ng 10K. Anggaling 'no! Hindi ako nagtatrabaho pero nagkakapera ako kada one month ang lumipas.

Pagkatapos kong kumain ng breakfast eh nagtooth brush muna ako tapos umalis na.

Pumunta na ako sa parking lot. Oo, may sasakyan rin ako (^.^)

Teka nga.. kanina ko pa napapansin yung sarili ko na parang... ansaya saya ko? Hmf. Di nga.. ba't ako masaya.

Wala eh. Basta pagkagising ko na lang ng umaga eh ganito na kaagad mood ko. Hmf. Siguro sa masarap tulog ko kagabi kaya maganda mood ko ngayon. Aish. makaalis na nga.

NAKARATING naman ako sa school at pinarada ko na sasakyan ko.

Pagkatapos eh pumasok na ako sa loob.

Teka, bakit parang may hinahanap mata ko ngayon? Aish. wala wala! Wala to!

Eh kasi... hinahanap ko lang si Erica na yun. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung deal namin ah.

Aish. Makapasok na nga sa first subject ko.

Microbio22 ang first subject ko. 2 Hours pa ang subject na yun tss..

At yun nga, nag start na kami ng klase. Boring lang naman kasi puro mga scientific name lagi naririnig ko sa mga bacteria na yan. Ba't ba pati yan pinag aaralan. aish!

---

- ERICA MAE's POV -

Umagang kay ganda na naman! Ganun pa rin ang habit ko tuwing umaga. Gigising ako, maliligo, kakain kasama sila Dad at Kuya King tapos aalis na sakay ng scooter ko.

Pagdating ko sa school, nakita ko kaagad si Maika. Kumakaway pa sya sa kin nung nakita nya ako.

"Hi friend.." say nya nung nakababa na ako sa scooter ko tapos nagbeso beso kami.

"Hello.."

"Mukhang maganda araw natin ngayon ah. Nakalimutan mo na ba yung nangyare sa Yo kahapon."

"Eh.. wah mo ng ipaalala yun. Nakakasira ng ganda ng araw ko yan eh kapag naiisip ko pa yan. Baka pati ganda ko eh masira rin tsss.."

"Uyy! Bakit naman nagkainteresado ka sa ganda mo ngayon? Nagpapaganda ka ba sa... boyfriend mo? Uyyyyyy!" tapos kinurot pa ako sa tagiliran. Aba! Mukhang tinutukso ako nitong babaeng to!

"Boyfriend ka dyan! Tumigil ka nga!"

say ko. Peo hindi pa rin sya tumigil.

"Uyyy.. Si friend nagpapaganda para sa bf nya uyyy! Aminin mo na kasi na may gusto ka dun kay James Ryan. Tapos gustong gusto mo talaga na maging gf nya, di ba. Aminin mo na kasi, friend!"

"Tumigil ka nga. Wag kang maingay nakakahiya ano ka ba."

"Hmf. Aminin mo na kasi.."

"Aish. Ilang ulit ko na bang sasabihin sa 'Yo na hindi ko nga sya gusto. Hindi ko nga sya type di ba!"

"Hmmm.. Sinabi mo yan eh. Sige friend kita na lang tayo mamayang lunch ah.."

"Sige bye.." tapos umalis na sya.

Magkaiba kasi kami ulit ng subject kaya maghihiwalay na naman kami. Naglakad na naman ako sa dept. papuntang first subject ko.

And dun nagtatapos ang boring kong araw...

---

Pagkatapos ng first subject ko eh naglakad na ulit ako papunta sa next subj. ko.

Habang naglalakad ako eh may nakita ako na nagkukumpulan ng mga tao dun sa bulletin board. Ano kaya nandun? Baka naman may announcement na pi-nost ngayon ang school kaya nagkukumpulan mga estudyante dun sa bulletin board. O baka naman may freebies pinamimigay.

Matingnan na lang nga din. Pumunta ako dun sa nagkukumpulang mga estudyante tapos nakisingit ako kasi gusto ko talaga makita yung tinitingnan nila dun.

Pagtingin ko, hmm.. nakapost lang pala yung schedule sa event para sa upcoming anniversary ng school. One week celebration ang anniversary kaya dahil dun eh one week rin walang pasok pero may event kada araw.

Ito yung mga schedule for the anmiversary oh.

SCHEDULE OF THE EVENT FOR THE UPCOMING ANNIVERSARY:

Monday: Mass, Opening Ceremony, parade for every organizations of the school, and opening of booth.

Tuesday: Sport fest (incl. Volleyball, Basketball, Tennis, Soccer, and Frizbee - for men and women)

Wednesday: Music and Dance sports competition.

Thursday: Search for Mr. and Ms. ****** 2016.

Friday: Anniversary Ball ( THEME: Mascarrade Ball)

Saturday: Closing ceremony and continuation of party.

At yun.. yun nga yung schedule for the upcoming anniversary.

---

Next chapter