Chapter 1

Note: There's a lot of sensitive scenes in every chapter so please be open-minded.

"Calvin, hindi natin sya pwedeng ikulong dito. She's a well known journalist at maraming magtataka kung mawawala nalang sya basta-basta." Naupo ako sa may pang-isahang sofa at tinignan ang babae na hanggang ngayon ay wala pa ding malay. Tapos na syang gamutin ng personal doctor namin at sabi ayos naman na ang lagay nito.

"Melvin, check the background of this girl. Kung may makita kang kakaiba ipaalam mo agad sa amin at isa pa kung may nalaman din sya tungkol sa atin linisin mo agad iyon." Sinenyasan ko na ang sekretarya ko na gawin na lahat ng inuutos ko.

"Dave, call Mr.Jervacio at paki sabi na gusto kong pabagsakin at bilhin ang lupang kinatitirikan ng coffee shop na pinupuntahan ko lagi" Inaamin ko na hindi ko matanggap ang nakita ko kanina kaya pasensya nalang sila kung hanggang doon nalang ang trabaho nila dahil nawalan na ako ng pake sakanila.

"Yes sir."

Tumayo na ako para magtungo sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kwarto ko. Actually, this is not my first time to care about others but of course I don't like it because caring is just wasting of time.

Tumungo ako sa banyo at naligo sa malamig na shower. F*ck stress...

----------------------

I woke up when I heard the door closed. Babangon na sana ako pero naramdaman ko bigla ang sakit ng braso ko. Luminga linga ako at napatigil nang mapagtanto na nasa ibang bahay pala ako. Maingat akong bumungan at naglakad. Kung saan-saan na ako napunta pero kahit isang tao ay wala akong makita.

Nasan ako? Dinukot na ba ako ng mga lalaki kanina?

Hahakbang pa sana ako nang marinig ko ang yabag na nagmumula sa may hagdan na kanina ay dinaanan ko. May tao na?

Mabilis akong nagtungo doon at muntikan na akong magsalita ng hindi kaaya aya nang makita ang isang lalaki na nakatopless sa harapan ko. Tanging ako lamang ang nagulat sa pangyayari kaya labis akong nahihiya sa lalaki. Wala sa sariling kinagat ko ang labi ko hindi dahil sa nakikita ko ngayon kundi sa sobrang hiya na nararamdaman ko.

"Sino ang may sabi sayo na maggala ka?" Napalunok ako sa sinabi nito. Hot nga sya masungit naman.

Tinuro nito saakin ang sofa kung saan ako nakahiga kanina. "Bumalik ka doon."

Dali-dali kong sinunod ang utos nito dahil nakakatakot na ang mukha nya kahit gwapo sya. Hindi ko sya kilala kaya kung magpapasaway ako tiyak na kamatayan ko na. Naupo ako sa sofa at tinignan ito upang iparating na nakaupo na ako.

"Nasa ibang bahay ka kaya wag kang pagala gala dito..." Tumaas ang kilay ko. Naghahanap lang naman ako para magtanong kung nasaan ako.

Umalis na ito at nagtungo kung saan. Sumandal ako at tumingin sa chandelier ng bahay. Magana ang bahay pero parang nakakatakot din kasi wala masyadong tao at kaunting ilaw lamang ang nakabukas.

Umupo ako ng maayos nang bigla itong bumalik na may dalang tray. Nilapag nito ang bitbit sa coffee table saka tinignan ako.

"Eat then leave." Para akong nalungkot sa sinabi nito. Parang ayaw ko pa kasing umuwi dahil wala naman akong kasama sa bahay at nangungulila ako sa kasama dahil bata palang ako mag-isa na ako at hindi ko na nakilala pa ang totoo kong magulang at yung adopted parents ko naman ay pumanaw na noong nag-aaral palang ako sa college. May mga kaibigan ako pero hindi ko na alam kung nasaan sila at yung pinaka close ko namang kaibigan ay nasa Italy na dahil taga doon ang napangasawa nya.

Kinuha ko ang pagkain sa tray saka kumain. Hindi naman ako malakas kumain pero base sa binigay nitong pagkain ay parang huling hapunan ko na ito pero dahil masarap at lutong pagkain ang kinakain ko ay naubos ko ito agad. Matagal na noong huli akong nakakain ng mga ganitong pagkain dahil palaging instant food at bili lamang sa fast food chain lamang ang kinakain ko sa bahay,

"Tapos ka na kumain kaya pwede ka nang umalis." Napatanga ako sa sinabi nito dahil akala ko ay nagbibiro lang ito na paaalisin ako kanina pero totoo pala. "Nasa labas na ng bahay ang driver na maghahatid sayo kung saan ka man nakatira kaya mag-ayos kana at umalis." Umalis na ito sa harap ko at nagtungo na sa ikalawang palapag ng bahay saka pumasok sa isang silid na hula ko ay to ang kwarto nya.

Tumayo na ako. Balak ko pa sanang ibalik ang pinagkainan ko sa kusina pero may sumalubong na agad sa akin na isang lalaki na naka black suit.

"Let's go mam." Nagdadalawang isip man ako ay sumama na din ako dahil pinapauwi na ako ng lalaki. Gusto ko sanang magpasalamat dito dahil niligtas nya ako kanina pero hindi ko na nagawa dahil umalis ito agad at parang suplado.

Sumakay ako sa back seat saka hinintay nalang ang driver na paandarin ang sasakyan.

Nang umandar na ang sasakyan pinahinga ko na muna ang katawan ko dahil sobrang sakit pa din ng sugat ko. Palabas na kami ng gate ng bahay nang biglang may humarang na itim na sasakyan at may lumabas na lalaking naka gray suit naman. Binuksan nito ang pinto sa may back seat at inutusan akong lumabas.

Sumunod ako sa utos nito at pagkalabas na pagkalabas ko palang bigla ako nitong tinakpan ng panyo at ang huli nalamang natandaan ay dinadala ako nito pabalik sa bahay.

Anong nangyayari?

----------------

"Anong nakita mo?" Tinignan ko ang babae na binalik muli sa bahay ko at walang malay nanaman.

'May mga nakita po akong gawa nyang article na pumapatungkol po sa mga illegal things and doings sa bansa. Nakita ko po ang codename nyo doon at mukhang hindi nya pa kayo nakikita, pero sir habang ganon pa po ang sitwasyon masmaayos na patahimikin na natin ang babaeng ito para hindi na po sya makasagabal sa mga balak natin.

Nakaramdam ako ng inis sa narinig kaya hindi ko napigilan ang sarili kong sipain ang coffee table kaya nagsilaglagan ang lahat ng mga gamit na naroon. Tinitigan ko ang babae at nagngingitngit ako habang tinitignan ang mukha nya.

"Ikulong nyo ang babaeng yan at tuwing nandito ako sa bahay wag na wag nyo ipakita yang babaeng yan sa akin. Panoorin nyo lahat ng galaw nya dito sa bahay at ibigay nyo sakanya lahat ng gamit nya para malaman natin kung ano ba talaga ang binabalak nya." Naglakad na ako patungo sa kwarto ko at doon binasa ang lintek na article ng babaeng iyon.

She's good in writing but I don't like her and her topic.

Humanda ka sa amin kung ano man ang binabalak mong babae ka...

Next chapter