Chapter 02

Waiting shed.

After the class ay naisipan ko ng maghintay sa waiting shed. Ang init! Nakalimutan ko dahil sa sobrang pagmamadali eh! Ugh well, aabang na kasi ako sa bagong labas na episode ng AOT eh. I just can't wait to go home at manood na ako mamaya ng anime. I was with Sabrina at tinawagan ko na si mom para sunduin ako. Sasabay ko na din si Sabrina tutal naman matagal ko na din siyang kaibigan. Binunggo naman na ako ni Sabrina at ang laki ng ngisi sa mukha niya. "Oh?"

"Crush mo papunta dito." She smirked at me at halos mabuga ko na lang yung potato chips ko at sinamaan ko siya ng tingin, "What the hell did you say?"

"EDITORIAL CARTOONIST! Miss Kaneshiro!" I heard a man's voice at may kumakaway sakin at lumapit na siya sa amin at tsaka ngumiti, "Late ba ako? Buti hindi! Sabay na tayong tatlo umuwi.Mabait ka naman di ba? So ibig sabihin pwede na tayong best friend?"

Daming sinabi. =_=

Napakadaldal. He's out of my league. Mas gusto ko pa na magisa ako sa library at nagdrawing eh. Ngiting-ngiti naman si Sab at sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ba kasi ganun ang tingin nila? Wala naman akong crush kay Masashi eh. As in, wala naman talaga! Baka siya lang talaga ang nag-iisip ng bagay na yun. Tinulungan ko lang naman talaga siya. Hanggang dun lang talaga. I mean he's interested in arts anyways kaya ko lang siya sinamahan. Sa kakaganyan ni Sabrina at ni Connor na naman sakin di malabong mai-issue na naman ako.

At ayoko ng ganun. As much as possible mas gusto ko na nag-iisa lang ako. "Hoy--"

Bago ko masabi yung sasabihin ko ay bumusina naman na si mom at binaba niya yung window niya and then she clearly giggled nung napansin niya si Sabrina at si Masashi. Kitang-kita ang excitement sa mukha niya, "Wah! You two are my daughter's friends hindi ba?" Tanong naman ni Mom at lumapit naman si Masashi sa tabi ko tsaka ako inakbayan. "Yes po. Tara na,"

"Gwapo nak." She whispered at halos mamula ang mukha ko. Damn. Talagang sinabi pa sa harap nila. Ugh bahala na. Baka ako lang din nag-iisip nun.

"Yiie," Binunggo naman na ako ni Sab at inirapan ko na lang siya. Babaeng to talaga! 

Pumasok na kami sa loob. Nasa harap si Sabrina at binigyan niya kami ng space ni Masashi since he really looked like he wanted to get to know me. Wala naman talaga ako masyado nagawa kung tutuusin, he managed to get in the art club because of his own skills.

"Palagi ka bang naghihintay sa waiting shed?" Tanong ni Masashi

"Yes she is, tambayan na rin kasi namin yun bago umuwi eh." Sabi ni Sabrina at napairap na lang ako sa kanya. Daldal.

It's really weird na magkaibigan kami. Sabrina is always on her computer, madalas nga siya naglalaro ng online game e. She always tell me that she's fond of playing ML, kaya gusto niya makagawa ng interactive game. 4th year na din kami kaya napaguusapan na rin namin yung tungkol sa college. She's going to be a programmer.

Samantalang ako, related sa arts talaga ang kukunin ko. So I'm debating whether to take fine arts, sculpture arts or graphic arts & design for college. Isa pa marami namang pagpipilian na college dito sa Bulacan. AMA since it was around Malolos or baka STI.Or baka De La Salle and then lastly, Ateneo. Depende kung saan ako papasa.Basta makakuha ng arts sapat na sa akin.

"Nga pala, saan ka mag-college? Ako kasi pinagiisipan ko kung sa Ateneo or UST ako. Duon kasi may programming." Sabi ni Sabrina

"Baka sa De La Salle kasi may Fine Arts, at sa STI naman may Graphic Arts & Design e," Banggit ko at napatingin naman ako kay Masashi at napangiti ako ng bahagya, "Ikaw ba?"

"Architect kunin ko. Parehas kami ng choices ng university ni Sab. Duon kasi sa Ateneo at sa UST may architect e." He smiled

Napangiti naman si mom sa akin while she was driving at napailing na lang ako. At ano naman ang ngiting yan ha? Di ko talaga alam sa kanya! I just want to get him know more yun lang. So he's interested in taking architect huh? Siguro yun ang rason bakit nagpatulong din siya sa akin na mapapasok sa art club. Magaling siguro magdrawing si Masashi.

Pag dating namin sa bahay ay napatingin naman siya sa mga paintings sa bahay at lumapit naman si mama kay Masashi and she gave him a smile, "Maganda noh? It's her art. Gawa ni Wakana yan. Basta kung ano ang mai-imagine niya ayun idrawing niya. She usually admired places in Japan." She said at tinuro naman ni Mama yung Shrine, Cherry Blossoms at yung ramen shop na paintings ko.

"You must love drawing."Sabi niya sa akin and he smiled, "Now that explains when I saw you drawing a girl with Kimono."

Tumango na lang ako sa kanya at halos mamula ako. What's this? Hindi ko naman to dapat na nararamdaman pero konting salita lang niya ay hindi ko na mapigilan na kiligin. Abnormal na ba ako? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko maipaliwanag kung ano man tong nararamdaman ko. Ngumiti naman si Sabrina and she smiled,"Magkakasundo talaga kayo! Pakita mo drawing mo Masashi." Excited na sinabi ni Sabrina

Ngumiti naman si Masashi at nilabas niya yung mga bondpapers at binigay niya sa akin yun. His drawings...it was beautiful as well. Most of them were cottages, beach houses, then restaurants and some beautiful houses. Sa drawing niya, I can clearly see that he's really interested to become an architect. Napakamot na lang sa ulo si Masashi at inagaw sakin yung papel, "Gago Sab! Ipapahiya mo pa ako kay Editorial Cartoonist."

"I have a proper name. Call me by my first name instead..."

Hindi ko na maiwasan mamula at napayuko na lang ako. I mean, I guess Masashi is not a bad person right? Hindi naman siya siguro katulad ng iba kong kaklase na nambubully eh. He seems to be a nice guy. Ayoko ng attention but he keeps on talking to me. Dinadala din siya kasi ni Sabrina sa akin kaya kahit na gusto ko ng umalis hindi ko rin magawa.

"Wakana,"

He got closer to me and he lend his hand at nginitian lang niya ako, "Can we become friends?"

"S--Sure..." Halos mautal ako at ang laki naman ng ngiti niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mamula dahil dun.

I should be thinking about my drawings...

Pero kahit anong iwas ko, anong magagawa ko? Kung tadhana na mismo ang nagsasabi at pinagtatagpo kami? Hindi ko siguro talaga matatakasan kung tadhana na ang nagsasabi. Binunggo naman na ako ni mama and she giggled, "Go on. Have fun with your friends. Aba 4th year na kayo. Minsan ka na lang maging bata kaya hayaan mo sarili mo mag-enjoy. Panay papel at color pencils ang lagi mo hawak eh!"

"Wag kayo mag-alala kukulitin ko si Miss Editorial--uh, Wakana pala haha." Napakamot na lang si Masashi and he laughed.

"Kahit Tita na lang," Sabi ni Mom and she pat his shoulders

Napakamot na lang ako sa ulo ko at bumusangot. Tawang-tawa naman si Mama sakin. Grabe, kailangan ba talaga na gumawa ng move? I don't understand. Simple lang naman tong bahay namin, halos compound kami bale tenant by tenant pero ayos lang naman tong lugar namin. Nung umakyat kami sa kwarto ay pinatong ko naman na sa gilid ko yung bag and I smiled at them, "Sige na. Upo kayo diyan." I told them

Napansin naman ni Masashi yung figurines ni Kaito at ni Miku kaya natuwa naman siya at nagningning naman mata niya when he saw those, "No way! Di ko alam na meron dito sa Pinas ng anime figurines? At vocaloid pa? Where did you get them?"

"Ah that..."Sabi ko at napahawak na lang ako sa buhok ko and I giggled at him, "Kasama ko si Sab nun, pumunta kami sa MOA. Kaso may singing competition siya kaya late nakadating eh."

"You're an otaku as well right?" Tanong naman ni Masashi at tumango na lang ako sa kanya tsaka ko siya nginitian.

To think that he had same interest as me, it makes me happy. Siguro wala naman akong pagsisihan ngayon na magkaibigan na kami. Napansin naman niya na nakatayo ako and he just chuckled a bit, "What are you standing there for? Para kang tuod. Alam mo, tumabi ka na lang sakin." Hinila naman niya yung kamay ko kaya wala ako nagawa kung hindi halos mabunggo sa braso niya. He's only in his teens right?

It looks like Masashi is already mature. Inakbayan naman niya ako and he smiled at me. Kung makangiti si Sabrina wagas! Ako na nga tong parang tuod dito. Kaibigan ko ba talaga siya?

"Let's take a picture!"

"Sab, anong kalokohan yan!"

Nilapit naman ako ni Masashi sa kanya at tsaka siya ngumiti, "First day of our friendship." He grinned at halos mamula na lang ang pagmumukha ko. I'm not really fond of pictures and I hate pictures. I have a lot of insecurities on my looks kaya bago talaga sa akin ang bagay na to eh.

"Alam mo girl, mamatay na lang mga kaklase mo sa inggit. Tsaka di ba sabi ko naman sayo wag mong pagpapansinin yun. For sure may kinakalat na naman yung si--you know kung sino. But don't mind her." She said to me.

I don't know. I started hating pictures when my classmates made a prank on me. They started drawing on my face and on my shirt at pinasuot pa nila sa akin yun.


Naka-indicate pa ang sinulat nilang,

'YOU'RE SO UGLY. TRANSFER OUT, BITCH.'


I let them.
I didn't even tell my parents when I'm getting bullied. At ayoko din sabihin yun, ayoko maging problema sa iba. At ang masakit kasi duon, they used social media to make me look like a fool. Naka #AnakngBruha pa yun sa facebook. That's why it always make me uncomfortable when it comes to pictures. Kaya ayoko dumadalo ng picture taking at natatamad ako kapag bumibisita kami sa bahay ng Tita ko.

Pero kailangan kong makibagay. Because this is me. Na kahit ang panget ko, kailangan ko tanggapin na ganito ako. I know that I have to overcome this like Sab told me. Pero paano? My past of getting bullied by my classmates..it's still haunting me.

"Is taking a picture making you uncomfortable?" Tanong ni Masashi at napahawak na lang ako sa salamin ko tsaka ako tumango sa kanya.

"It's because I looked like this...I'm ugly,"

Napapikit na lang ako and I sighed deeply, hindi ko naman gusto na pag-usapan to. But I have no choice either. Ayoko ding abalahin si Masashi to, dahil in the first place it's my own problem. Napabuntong hininga na lang ako, "I looked pathetic huh?"

"Edi ako na magtatanggol sayo.Kahit anong oras pa yan, pupuntahan kita. Pwede mo ako tawagin sa waiting shed dahil tambayan natin yun. Ano pa yung naging kaibigan kita kung hindi kita aalagaan?" He asked

"Ayiiieh!" Tulak sa akin ni Sabrina

He's going to protect me?

Seryoso ba talaga siya? I don't understand him at all. Bakit naman niya ako proprotektahan? Him, being the center the attraction? At crush ng lahat? Parang impossible naman yata mangyari yon.

"Then that makes you my son in law!" Sabi ni Mom at sumulpot na lamang siya bigla at kinuha ko yung unan ko na pink na flower shaped at tinago ko na lang yung mukha ko. Seriously? If she's going to give us some cupcakes edi dalhin na lang niya.

Ugh...she's embarrasing me enough already. Baka kung ano pa ang isipin niya. Inakbayan na lang ako ni Masashi and he smiled brightly,

"You can leave your daughter to me ma'am. I'll make sure to protect her. Ang lakas ko kaya," He flexed his muscles at natawa na lang ako.

He makes me feel better. Dapat ba ako maniwala sa kanya?

Next chapter