Chapter 5: The Touch of an Angel

'Paano mo nasabing nice meeting us? Paano kung masama pala ang ugali ko?!', masungit na sabi ni Ms. Dara kay Quen.

Nagulat si Quen sa sinabi ng headwriter sakanya. Bigla siyang kinabahan.

Fuck. What have I gotten into? Bakit ang iinit ng mga tao dito?, isip ni Quen.

'CUT!', sigaw ni Ms. Dara na lalong ikinagulat ni Quen.

'Char laaaaang.', biglang sabi nito.

'Galing ko no? Hello Quentin, welcome to the team', nakangiting pagbati nito kay Quen sabay abot ng kamay.

'H-hello po. Thank you po', agad din namang nakipag-kamay si Quen kay Ms. Dara.

'Naku, masanay ka na jan kay Ms. Dara, ganyan talaga yan. Palibhasa frustrated aktres', sabi ni naman ni Tina, ang isa sa mga writer ng show.

'Anong frustrated actress? Di mo ba alam na dati akong bida sa isang stage play nung college? ANG PINILI. Starring Dara Conde. Ganooooin', eksaheradang pagpapaliwanag ni Ms. Dara.

'O siya, iwan ko na kayo diyan. Mag-start na kami sa unang eksena', magpapaalam na sana si Direk Nel nang bigla niyang nakita sina Cyrus at Vera na agad niyang tinawag. Paglapit ng dalawa agad silang bumeso kay Direk Nel at sa mga writer ng show.

'Cyrus, Vera, I don't think na-introduce ko na kayo sa bago nating intern. This is Quentin, he'll be working for the writing team of our show',

'Hello po, Ms. Vera and Sir Cyrus', mahinang bati ni Quen.

'Hi Quen! Welcome to You Are My Sunshine! Nice meeting you.', energetic at nakangiting bati ni Vera kay Quen na ikinabigla niya. For the first time hindi siya sinungitan nito.

'Hello Quentin', bati naman ni Cyrus kay Quen sabay abot ng kamay nito.

Ngumiti na lang si Quen sakanya at mabilis din na nakipagkamay sa aktor.

'O tara na guys, let's start', sabi ni Direk Nel sa mag-love team. Naunang naglakad si Direk Nel papuntang living room ng bahay. Sumunod si Cyrus na muling ngumiti kay Quen. Bago mag-umpisang maglakad si Vera ay umirap muna ito kay Quen.

'WTF is her problem? Back to maldita mode agad?', isip ni Quen.

Hindi talaga niya gets si Vera. Wala naman siyang ginagawa dito.

-

Pagdating ng lunch time, di na kinaya ni Ms. Dara ang init sa set ng location.

'Let's go have lunch somewhere else then tuloy natin ang meeting sa office. Di ko na keri super jinet dito,' sabi ni Ms. Dara sa kanyang team.

Agad naman silang nag-paalam sa mga staff.

Naabutan nila sa labas sina Direk Nel, Vera at Cyrus. Si Vera nakaupo habang pinapaypayan ng PA. Si Cyrus naman nakatayo, isang kamay sa bewang habang ang isang kamay naman nito ay may hawak na mini fan at pinahahanginan ang kanyang mukha.

'Direk Nel, hiramin ko muna ito si Quen ah. Lipat kame sa office,' paalam ni Ms. Dara kay Direk Nel.

'Sure sure, he is all yours,' sagot naman ng Asst Director.

'Bye po. Bye Direk Nel. Bye Ms. Vera, Bye Sir Cyrus', pagpapaalam naman ni Quen.

'What did I tell you earlier?', biglang sabi ni Cyrus kay Quen. Bigla namang napatingin si Vera kay Quen.

'Bye Cyrus', mahinang sabi Quen. Nagkatinginan din sina Direk Nel at Ms. Dara

'May ganoooon?', sabi naman ni Ms. Dara

'Hatid ko na kayo Ms. D!', sabi ni Cyrus sabay lapit sa headwriter at akbay dito.

Inakbayan ni Cyrus si Ms. Dara habang naglalakad papunta sa sasakyan nilang van. Nagtatawanan sila.

Nakasunod naman si Quen at huli siyang sumakay ng van.

'Ingat,' mahinang sabi ni Cyrus kay Quen bago nito isinara ang pinto ng van.

-

5PM na, buong araw na nag-meeting ang kanilang team tungkol sa mga susunod na mangyayari sakanilang palabas. Masaya naman si Quen dahil kahit papaano pinapakinggan ng kaniyang mga senior ang kanyang mga inputs at suggestions kahit bago lang siya.

'Good job guys! Harry and Tina please write this in the format we use para mapa-approve natin agad. Quen, good work today. Please learn our format and writing style para next time maka-help ka sakanila. Sige na, go na kayo', sabi ni Ms. Dara sa kanyang team.

'You can go na Quen. Kami na muna bahala dito. We'll send you a copy na lang para maaral mo', sabi ni Harry kay Quen.

'Okay po Sir Harry. Bye po. Bye Ms. Tina', paalam ni Quen.

'Kuya at Ate na lang Quen. Si Ms. Dara lang ang Miss dito', sabi sakanya ni Tina.

'Hahaha. Okay po. See you po on Friday!', nakangiting sagot ni Quen.

Agad na bumaba si Quen para umuwi nang bigla niyang nakita si Andre na nakaupo sa lobby ng building. Nilapitan niya ito.

'Andre! Sino hinihintay mo?', tanong niya sa kaibigan at umupo din siya sa katapat na couch na kinauupan nito.

'Hey Tintin. Ahh. N-no one. Wala naman akong hinihintay, medyo tinatamad pa kase ko mag-drive. Pauwi ka na ba?', medyo alangang sagot nito sakanya.

'Yeah. Pauwi na din ako. Medyo napagod braincells ko today. Haha', pabirong sabi ni Quen.

'Oh why naman? Ikaw pa ba, di ka naman yata nauubusan ng braincells. Sabay na tayo. Hatid na kita,' alok ni Andre.

'Huh? Naku, hindi na. Okay na ko. Nakakahiya, hinatid mo na ko kahapon e. Mapapagod ka lang, traffic pa naman, rush hour.', pagtanggi ni Quen.

'Ano ka ba? There's nothing to be ashamed of? We're friends after all. Tara na', pagpilit ni Andre.

'Sure ka? You dont mind?', tanong ni Quen.

'Yeah. I'm sure. I won't offer if i actually do mind.', sagot ni Andre

'Okay. If you insist. Basta may utang ako sayo ah!', sabi naman ni Quen.

'Nako. Don't say that. Baka di mo magustuhan pag naningil ako', sagot ng kaibigan sakanya.

'Bakit magkano ba sisingilin mo saken?', tanong ni Quen.

Napatitig lang si Andre sakanya.

'Wala. Joke lang. Let's go' biglang sabi ni Andre.

Pagsakay nila sa kotse, nagpatugtog si Andre ng isang album ni Regina Spektor. Alam niya kaseng isa ito sa mga paborito ni Quen.

Napangiti naman si Quen, at saka nito isinandal ang ulo at pumikit.

Buong biyahe, typical Andre at Quen, walang usap usap. Ineenjoy nila ang music.

Naisip naman mag-check ng Instagram ni Quen. Binuksyan niya ang mga stories sa ig.

Picture nang magkahawak na kamay na post ni Lucas. Napaka sweet talaga nitong dalawa, Charlie's so lucky, isip ni Quen.

Isang groupfie ng school organization na post naman ni Colleen. Busy girl.

Nakita din niya ang ig story ng kanyang kasama sa kotse. Picture ng lobby kung saan sila nagkita kanina. #WaitingGame. Bakit ganito yung hashtag? Sabi niya wala siyang hinihintay?, isip ni Quen. Napatingin na lang siya dito at hindi na nagtanong.

Sumunod na lumabas ang ig story ni Cyrus.

#touchedbyanangel? Parang wala naman kaming napagmeetingan about an angel sa kwento? Anong pinagsasasabi nito ni Cyrus?, tanong ni Quen sa sarili

#touchedbyanangel? Parang wala naman kaming napagmeetingan about an angel sa kwento? Anong pinagsasasabi nito ni Cyrus?, tanong ni Quen sa sarili.

Next chapter