Lola Miranda

Sumapit ang gabi.

"Lola Miranda,inumin ninyo na po ang gatas ninyo."

Nakangiting tumingin si Lola Miranda sa kanya mula sa tinitignan nitong mga pictures sa album. Iniabot niya rito ang isang baso ng maligamgam na gatas. Nakasanayan na kasi ng matanda na uminom ng gatas bago ito matulog...

Habang umiinom si Lola Miranda ng gatas ay napatingin siya sa photo album na tinitignan nito. Nakasanayan na rin nito na tignan isa-isa ang mga larawan at ilahad sa kanya ang mga kuwento sa likod ng mga litratong iyon.

"Nakatanggap ako ng isang magandang balita,Eliza." ang excited na anunsiyo ni Lola Miranda.

"Talaga? Ano po iyon?"

"Nakatanggap ako ng sulat mula kay Quiel. Dadalawin daw niya ako kapag naayos na niya ang pamamalakad sa Hacienda Miranda. Kagagaling lang niya mula sa Amerika at aasikasuhin daw muna niya ang hacienda at pagkatapos noon ay susunduin na niya ako and we'll live together. And I want you to come with me and live with us,iha." ang masayang pagkukwento ng matanda.

"Pero hindi naman po ako miyembro ng pamilya,Lola. Baka hindi po maging komportable ang apo ninyo dahil may isang estranghero nakatira sa bahay." ang nahihiyang nasabi ni Eliza.

"That's nonsense,hija! Itinuturing kitang parang sariling apo ko na rin. At gustong-gusto ko talagang maging legal ang pagiging apo mo by marrying my grandson!" the old woman insisted.

Natawa naman si Eliza sa nasabi ng matanda. Matagal na siyang kinukulit niya na pakasalan ang nag-iisang apo nito kahit hindi pa niya ito nakikita ng personal. She only saw him sa mga pictures. Noong unang pinakita ni Lola Miranda ang litrato ng apong lalaki ay agad na siyang humanga sa kagwapuhang taglay nito. It was a mere crush,at wala na siyang iba pang maramdaman...

"Lola Miranda,hindi natin hawak ang damdamin ng isang tao. Paano kapag meron nang ibang minamahal si Quiel?"

"--O baka naman may iba ka nang minamahal? Mahal mo na ba si Dr. Lee?" ang balik-tanong sa kanya ni Lola Miranda.

Napabuntonghininga si Eliza nang maalala niya ang naging confession sa kanya kanina ni Clark...

"I don't want to be a villain here but I really want you to marry my grandson,Eliza. Handa na akong samahan ang aking esposo sa langit kapag natupad na ang pangarap ko na makasal kayo ni Quiel." ang seryosong pahayag ni Lola Miranda.

Masuyong hinawakan ni Eliza ang kamay ng matanda at kinuha mula doon ang baso.

"Mahaba pa ang buhay ninyo,Lola. And I'm sure na may makikita pa kayong babae na mas nararapat para kay Quiel. At makikita ninyo pa ang mga apo ninyo sa tuhod..."

"Eliza,hija---"

"Mag-usap po ulit tayo bukas,Lola. Lumalalim na ang gabi at kailangan ninyo na pong matulog..." ang pag-iiba niya sa usapan.

Napailing na lamang si Lola Miranda pero sumunod naman ito. Inilagay na nito sa bedside table ang photo album at pagkatapos noon ay humiga na ito sa kama.

"Goodnight,Lola Miranda." ang magiliw na paalam ni Eliza bago niya isinarado ang pintuan...

Nang masarado ni Eliza ang pintuan ay hindi na muna siya umalis,at nag-stay muna siya sa labas ng kuwarto ni Lola Miranda.

Hindi niya alam kung bakit,pero parang may kakaiba sa ikinikilos ng matanda. She can't pinpoint kung ano iyon,pero hindi maikakaila na nag-aalala siya...

Next chapter