The Mysterious Cowboy

Huminga muna ng malalim ang matandang abogado bago ito muling nagsalita.

"Iyon din sana ang gusto kong ibalita sa iyo,hija. Pinapasabi sa akin ng apo ni Lola Miranda na iniimbita ka niyang pumunta sa Hacienda upang makapag-usap kayong mabuti,and I'm hoping that both of you can have a mutual agreement para sa ikakabuti ng lahat." pahayag nito.

Napatango-tango si Eliza matapos niyang marinig ang matanda.

"Tama po ang apo ni Lola Miranda. Kailangan po naming mag-usap ng masinsinan tungkol sa last Will and Testament na ito. At gagawin ko po lahat ng aking makakaya para malutas namin ang problemang ito." ang mariin na pahayag niya.

Kailangan niyang gawin ito para sa ikakapanatag ng isipan at loob ng lahat ng tao na may kinalaman sa pamana ni Lola Miranda...

Sa ngayon nga ay mag-isang nagbibiyahe sa bus si Eliza papunta ng San Carlos City,Pangasinan…

Napangiti siya nang maramdaman ang pagdampi ng preskong hangin sa kanyang mukha…

Makalipas pa ang ilang oras ay nakita na niya ang signboard  papasok sa Hacienda Miranda. Ibinaba siya ng bus driver at konduktor sa bukana ng hacienda...

Iginala ni Eliza ang kanyang paningin sa buong paligid. Wala siyang ibang nakikita kung hindi ang malubak na daan,mga puno ng manga at mga kalabaw.

Bigla siyang nanghina dahil pakiramdam niya ay madalang pa sa patak ng ulan ang pagdaan ng tao sa lugar na ito…

Kanina pa pinagpapawisan ang kanyang kili-kili at pakiramdam niya ay naliligo siya sa alikabok…Tirik na tirik ang araw ngayon.

Biglang napatingin si Eliza sa may bandang kaliwa nang makarinig siya ng mga yabag ng kabayo…Nakita niya na may papalapit na tao habang nakasakay ito sa kabayo. She squinted her eyes upang matitigang mabuti ang estrangherong nakasakay sa kabayo. Makalipas pa ang ilang sandali ay tumigil ang kabayo sa harapan niya…

He was the sexiest cowboy she ever laid her eyes on. Nakasuot ito ng cowboy hat at nakasuot ito ng red plaid shirt. Nakabukas ang buong butones ng damit nito at nagpiyesta ang kanyang mga mata sa matipunong dibdib ng lalaki.

“Hindi ko gusto ang uri ng tingin mo sa akin,Miss.” 

Natigil ang pag-e-explore ng mga mata ni Eliza nang marinig niya ang baritonong boses ng lalaki…

“P-Pasensiya na. Maaari mo ba akong tulungan? Kailangan ko kasing makausap ang apo ng may-ari ng Hacienda Miranda...Puwede ninyo po ba akong ihatid sa mismong bahay nila?" pakiusap niya dito

Magsasalita  sana ang lalaki ngunit hindi na nito naituloy ang sasabihin nang biglang kumulog. Napatili tuloy si Eliza.

“Halika ka na at ihahatid kita. Kung magtatagal pa tayo dito ay tiyak na aabutan tayo ng napakalakas na ulan." ang seryosong sagot nito.

"M-Maraming salamat." dapat ay matakot siya dahil isa itong estranghero ngunit iba ang sinasabi ng kanyang puso. Parang may bumubulong sa kanya na pagkatiwalaan ang lalaking ito,at walang mangyayaring masama sa kanya...

Pinanood niya ang pagbaba ng lalaki mula sa kabayo.

"Halika at tutulungan na kitang sumakay."

Lumapit siya dito,at nagulat na lamang siya nang bigla nitong hawakan ang kanyang beywang at iniangat siya nito upang makasakay siya ng kabayo. Biglang gumapang ang kuryente sa buong katawan niya. Bago pa siya nakabawi sa pagkabigla ay naramdaman naman niya ang pagsakay ng lalaki at umupo ito sa likuran. She can smell some burning wood on him,at parang naamoy din niya ang fresh na damo and surprisingly,she liked the combination of it.

"Hold on tight." ang untag nito.

Makalipas pa ang ilang segundo ay nagsimula nang maglakad ang kabayo papunta sa kaloob-looban ng hacienda...

Next chapter