You're One in A Million

Chapter One: "Emerald"

"And the new Miss Limgas na Dayat is---!"

Ipinikit ni Emerald ang kanyang mga mata habang pigil-hininga niyang hinihintay ang pag-anunsiyo ng host sa winner ng Limgas na Dayat 2018 o "Beauty of the Sea 2018." Ito ang pinakamalaking beauty contest sa Pangasinan,and she's representing San Carlos City. Ang kaharap niya ang isang napakagandang babae na nire-represent ang Dagupan City. Magkahawak ang kanilang mga kamay,trying to support each other,habang hinihintay nila ang announcement ng winner.

"Lord,ibigay ninyo na po sa akin ito. Pangatlong beses na po akong sumali sa beauty contest na ito at sana naman ay makuha ko na ang korona to make my mother happy and proud." ang taimtim niyang dasal.

Bago namatay ang kanyang ina dahil sa sakit sa puso ay madalas nitong sabihin sa kanya na sana ay makasungkit siya ng korona. Pinangarap din kasi nito na maging beauty queen pero hindi na iyon natuloy dahil maaga itong nabuntis. Pero ayon sa ina ay wala siyang pinagsisihan dahil binigyan naman daw siya ng anak na katulad niya.

Hindi naman siya pinilit ng kanyang ina na sumali sa mga beaucon dahil siya mismo ay nag-decide na sumali dahil nae-excite siya sa tuwing nagkukwento ito ng mga naging karanasan nito sa pagsali sa mga beauty pageants.

Bukod pa doon ay gusto niyang tuparin ang pangarap ng ina sa pamamagitan niya.

"Let's welcome our new Limgas na Dayat 2018---from San Carlos City,Emerald Madrigal!"

Agad na bumalong ang luha mula sa kanyang mga mata nang marinig niya ang kanyang pangalan. Sa wakas ay nasungkit na rin niya ang korona! Ito ang kauna-unahan niyang korona makalipas ang ilang taon ng pagiging runner-up,at ito na rin ang pangatlong subok niya sa Limgas na Dayat. Mukhang naniniwala na siya sa sa kasabihang "Third Time's a Charm."

Nang maisuot na ang kanyang sash at nang maibigay na niya ang bouquet of flowers ay saka naman ipinutong ang kanyang korona.

"This is for you,Mama.I hope your smiling for me from heaven." ang lihim na nasabi ni Emerald sa kanyang sarili.

"Please take your walk as the new Miss Limgas na Dayat 2019!"

Para siyang naglalakad sa alapaap dahil sa sobrang kagalakan na nararamdaman. She gave the audience,the judges,and her supporters her Queenly wave...

Nang matapos na ang programa ay agad siyang sinalubong ni Carat,ang kanyang pinsan at ang kanyang number one supporter. Ang ama nito at ang kanyang ina ay magkapatid. Naging single mother ang kanyang ina dahil tinakbuhan siya ng kasintahan nito nang malamanv buntis,kaya naman ang tangi niyang naging pamilya bukod sa ina ay sina Tito Jasper,Tita Cedes at ang pinsan na si Carat.

Kasama ni Carat na naghihintay sa backstage sina Tito Jasper at Tita Cedes.

"Congrats,hija! I'm so happy for you and I'm sure your mother is smiling at you from heaven." ang mangiyak-ngiyak na bati sa kanya ng Tiyahin.

"Maraming salamat,Tita."

Nakita niya na parang maluha-luha din ang kanyang Tiyuhin,but he was still trying his best to control himself.

"Congratulations,anak. Kung nandito lang sa atin ang Mama mo ay tiyak na naglululundag at nagtititili iyon sa sobrang tuwa." anito.

Natawa naman si Emerald matapos niyang marinig ang sinabi ng tiyuhin. Yes,knowing her mother,nai-imagine niya na ito ang may pinakamalakas na sigaw mula sa mga audience.

"---teka cousin,hindi ka ba nabibigatan sa korona mo? Malaki kasi at parang mabigat!" ang na-a-amaze na tanong ni Carat.

Tito Jasper and Tita Cedes groaned inwardly while giving their daughter a warning look.

"Maganda na sana ang drama moment namin anak eh!" reklamo ng ina nito

"Ay sorry...Sana binigyan ninyo po ako ng go signal kunv kailan ako papasok sa eksena.'' ang ngingiti-ngiting biro ni Carat.

"Anyway,kailangan nating i-celebrate ang pagkapanalo mo. At bukod pa doon ay kailangan din nating i-celebrate ang pagtatapos ng diet mo." anunsiyo ni Tito Jasper.

"Tama po kayo diyan,Tito! Puwede na uli akong sumabak sa buffet!" Emerald excitedly stated.

"O,ano pang hinihintay ninyo? Tara na!" ang mabilis na yaya naman ni Carat.

Masasabi niya na satisfied at maligaya siya sa kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya. Ngunit may isa pa siyag kailangang gawin para masabi niya na kumpleto na ang kangang buhay...

To compete in the National Pageant,at ang target niya ay ang sumali sa Lakambini ng Pilipinas.

MAKALIPAS ang isang taon...

Sa ngayon nga ay nasa Monserrat Building si Emerald dahil ipapasa niya ang kanyang application form para sa Lakambini ng Pilipinas Beauty Pageant. Kasama niya ang kanyang pinsan na si Carat.Kasalukuyan silang naghihintay sa lobby kasama ang iba pang mga aspiring canditates.

"Wow,ang gaganda ng mga girls,Emmy! They looked like they came out straight from a fashion magazine! They looked like mannequins who came to life!" ang nasabi ni Carat,habang nanlalaki ang mga mata nito.

"Hindi ba parang outsider ako,Carat? I mean look at them,ang tatangkad nila! The looked so gorgeous and glamorous. Parang pandak ako kapag lalapit ako sa kanila." ang nag-aalalang sabi ni Emerald.

"Ano ka ba! Oo magaganda nga sila pero unique naman ang beauty mo! Panlaban na ang brown eyes mo,tapos morena ka pa! Ang physical features and personality mo ang tunay na matatawag na "Dalagang Pilipina!" " Carat tries to reassure her.

Pakiramdam ni Emerald ay parang nanliit siya at gusto niyang lumubog mula sa kanyang kinatatayuan habang tinigtignan niya ang iba pang naghahangad na maging kandidata...

"---Hi! Ikaw si Emerald Madrigal di ba? Ang naging Limgas na Dayat sa Pangasinan noong 2018?"

Biglang napalingon sina Emerald at Carat nang makarinig sila ng boses mula sa likuran. Nakita nila ang isang babae who's oozing with sweet personality. Her bright smile can lit up a whole dark room.Mukha itong Chinese Mestiza and she's wearing a pink floral dress. Para itong "Girl Next Door."

"Hello! Paano mo nalaman ang pangalan ko?" she curiously asked her.

"Well,introductions are in order. I'm Kisses Cuervo,and I'm Miss Tarlac 2018. You're well known as the "Third Charmer" dahil nakuha mo ang korona your third try.But don't take it as an insult. In fact,you really impressed me dahil hindi ka nag-give up." the woman said it all in one breath."

Napangiti naman si Emmy matapos niyang marinig ang paliwanag ng babae.

Next chapter