Emmy, The Third Charmer

"Napanood ko ang laban mo sa Limgas last year noong nagbakasyon ako sa Pangasinan at masasabi ko na napakagaling ng paserela mo. Tapos ang galing-galing mo pang sumagot sa Question & Answer portion kaya hindi nakakapagtakang ikaw ang nanalo.Kaya nga noong mabalitaan ko na sasali ka sa Lakambini ng Pilipinas ay pinilt ko talaga na sumali ngayon. Sana makuha tayong dalawa as official candidates,no?" ang patuloy na daldal ng babae.

Nagpakawala ng ngiti si Emmy sa babae. Parang makkaagaanan niya ng loob ang babaeng ito.Lihim din kasi niyang hinihiling na sana ay walang masungit at maldita sa beauty contest na iyon dahil ang gusto niya ay magkaroon ng mapayapa at fair na competition with the other girls.

"Sana nga ay mag-dilang anghel ka.I'm Emerald Madrigal. Anong pangalan mo?"

Nakita niya ang pagguhit ng pagtataka sa mukha nina Carat at ng bagong babae na kausap. Hindi niya ala kung bakit ganoon ang ekspresyon ng mukha ng mga ito.

"Uh,nasabi na niya kanina ang pangalan niya,sis,nakalimutan mo na agad? Ano ito signs of aging?" singit ni Carat.

Naramdaman ni Emerald ang pag-iinit ng kanyang mukha dahil sa pagkapahiya.

Kahit siya ay nagtataka na rin dahil parang nagiging makakalimutin siya nitong mga nakaraang buwan. Mero. ding pagkakataon na napupunta siya sa ibang lugar pero hindi niya alam kung bakit siya naroon...

Naputol sa pagmumuni-muni si Emerald nang marinig niya ang boses ng babae.

"Okay lang iyon...Magpakilala ulit ako. I'm Kisses Cuervo,and I was Miss Tarlac 2018."

"Naku pasensiya ka na talaga ha.Siguro ay ninenerbiyos ako kasi first time kong sumali sa National Pageant. Pero ikinagagalak kitang makilala,Kisses!" ang masayang nasabi ni Emerald.

Masayang silang nagkwentuhan nina Carat at Kisses habang hinihintay nila ang pagdating ng iba pang girls. Natigil ang kanilang pag-uusap nang may lumapit sa kanila na isang babae na hindi halos makatingin ng diretso sa kanila.

"E-Excuse me,puwede po bang makahiram sa inyo ng extra pen?"

Napansin ni Emerald na kimi itong kumilos at magsalita.Pero hindi maikakaila na maganda ito kahit na simple lang ang make up ng babae. Ito lang at ang nag-iisang aspirant na simple ang overall aura pero hindi mo maiaalis ang tingin sa maamong mukha nito.

"Ito gamitin mo...At saka sa'yo na lang iyan. Marami pa akong ballpen dito." Kisses chirped at the girl.

Emerald smiled in amusement nang makita niya ang pen. Nagsusumigaw iyon sa pagka-pink at may feathers pa sa dulo noon. Very girly and cutesy.

"M-Maraming salamat." ang nahihiyang pasalamat ng bagong dating.

"Here,dito ka na umupo sa tabi ko.At gamitin mo na rin itong libro ko para pagpatungan mo nang makasulat ka ng maayos." suhestiyon naman niya.

Agad namang sumunod ang babae habang hindi pa rin matapos-tapos ang pasasalamat nito.

Hindi na muna nila inistorbo ang babae upang makapag-concentrate ito sa pagsagot sa form.

Makalipas pa ang ilang sandali ay natapos na nito ang pagsagot sa form at naibalik na rin ang libro sa kanya.

"Let's get to know each other,shall we?I'm Carat,at pinsan ko ang sasali sa Lakambini ng Pilipinas." ang pakilala ni Carat sa sarili.

"At ako ang pinsan ni Carat,I'm Emerald Madrigal,you can just call me Emmy."

"And I'm Kisses Cuervo. Teka,bagong salta ka lang ba sa pageantry world?" ang walang kaabog na tanong nito.